Tuesday, September 22, 2015

Kasaysayan ng Cavite


Ang lungsod ng cavite ay masasabi natin sa isa sa matatag at napakaraming istoryang lungsod. Ito ay nasasakupan ng CALABARZON region kasama ang Laguna, Batangas, Riral at Quezon. Masasabi din natin na ang Cavite ay mayaman sa mga pruduktong hinahango sa dagat tulad ng isda, shell, mga sugpo at iba pa. Mrami ang nagsasabi na itoy isa ding magiting na lugar tulad ng Batangas sapagkat itoy hindi natinag sa mga mananakop. Ito ay isa ding lalawigang masasabi natin na mabilis ang pag angat ng ekonomoya sapagkat madami na ditong nakatayong instraktura tulad ng mga naglalakihang kompanya at mga mall. Basis sa aking pagaaral tungkol sa lungsod ng cavite ang pamumuhay ditto ay malapit o hindi nagkakalayo ng pamumuhay sa lungsod ng batangas sapagkat ang mga tao ditto yulad sa Batangas ay masisipag at trumatrabaho ng marangal at may pagalang sa kanilang nasabing bayan.
Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite  bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look Maynila  ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.
Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinasat ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120.Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120.

Ang Kabite (Kastila: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ngCALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Trece Martiresang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.
Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa Look ng Maynila.[1] Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.
Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.
Apat na SM Malls at tatlong Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM supercenter Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, Robinsons place Imus, Robinsons Place Dasmariñas at Robinsons Place Tagaytay. Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng technologia sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito.gayon pa man ang kaitaasang bahagi ng kavite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape,paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang maynila at karatig lalawigan.kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya,papaya,guyabano,niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang nadaan sa tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng batangas.


Pisikal

Lupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.
Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.
Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.
Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tagtuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo.

    

20 comments:

  1. This is all right! This is all the same! As we learn we check it first!

    ReplyDelete
  2. shout-out sa lahat ng mga interns sa SABV.

    ReplyDelete
  3. Sa china na tong cavite ilang taon pa

    ReplyDelete
  4. mali mali naman yung spelling nung ibang words

    ReplyDelete
  5. Wala nmn dto yung hinahanap ko ei

    ReplyDelete
  6. WAG KA NA MAG REKLAMO ATLEASE MAY NATUITUNAN KA KAYSA SA WALA

    ReplyDelete
  7. Hanghaba na nag isusulat hay nako

    ReplyDelete
  8. wala kayong ibang ginagawa kundi mang bash, kaya isa talaga sa ikinababagsak ng bansa natin ay tayo mismo hayyy bagong taon na mag bago na kayo

    ReplyDelete